Ang pagbabalik sa Magulong Metro Manila!
SANA HINDI NA LANG AKO BUMALIK!
Bago pa mag land ang eroplano.. bwisit na ko…
Nag paikot-ikot kami for less than an hour bago kami naka land. Kasi daw TRAFFIC! Dami daw plane na naglaland. So wait kami.. ikot kami south ng luzon.. nakapikit ako… pero nararamdaman ko na nag U-U-turn kami.
sa wakas.. dahan -dahan ng bumababa ang plane.
Pag land namin, nakatayo na halos lahat ng pasahero.Kahit hindi pa bukas ang doors. ilan lang kami na nakaupo pa.. ayaw naming makigulo sa mga gustong makalabas kagad.
Nang clear na ang path… kinuha ko an gamit ko then lumabas na ng plane.
Pag labas ko ng terminal.. nakita ko yung pila ng taxi.. nakita ko rin yung TRANSPORT SERVICE station. nagtanong ako sa guard kung kailangan ko pang pumunta sa station before ako makasakay ng cab. He said "yes". So pumunta ako sa transport station. I told the lady "Mam, mag ca-cab po sana ako" sabi nung girl " san po ang punta nyo" i told her saan ako.. nag sulat siya. then i asked "how much po?" sabi niya "750.00" Nagulantang ako. Inaasahan kong mataas pero di ko inakala, kahit sa panaginip manlang na more than 300% ang laki ng pamasahe. I toldthe lady "wag na lang po mam".
I went out of the station and decided to go sa Departure area kasi naalala ko na may mga dumarating na hinahatid ng cab.. i asked the guard pano ako makakaakyat dun.. tinuro nama. Pag akyat ko.. madami ng nagaabang.
MAsalimuot ang mga susunod na pangyayari…
3 entrance. Majority ng mga bumababa sakay ng taxi. Pero ang mga "anak ng demonyong" drivers…namimili! yung iba nakikipagtawaran pa! iilan lang yung mga hindi namimili ng pasahero.. pero nauunahan naman ako sa pagsakay…pag nandun ako sa entrance ng international Departure gate… dun naman humihinto sa Domestic Departure gate. nung pumwesto ako sa gitna… magkabilag gates nag bababa ang mga taxi… may galit ba sila sakin?
I texted my kuya and asked for help to call a cab. kaya lang mukang hindi pwedeng pumasok ang cab pag walang sakay eh. Pano kaya yun kung private ang use ng cab?
Tapos nakakita ako ng MGE na cab. nilapitan ko para tingnan yung number.. nakausap ko yung operator/dispatcher.. yung nga sbi di daw pwede pumasok..
After siguro mga 45 minutes, may dumating.. KIA pride taxi. Pinara ko.. may pumarang Iba na nasa harap ko.. sinalubong ko na yung taxi.. pagbaba nung sakay.. ako naman ang sumakay.. sinabi ko destination.. di na siya nakatanggi! Sinajyan ko na kahit parang hindi ako aabot sa bahay kasi kakarag-karag na.. ang init pa.. di na ako nagreklamo..
Sa wakas… nakaalis din ng airport..
Nakarating ako sa bahay in one peice. P220 lang ang singil sa taxi.. pero i paid P250.00. compared sa 750.00 na gusto nilang bayaran ko… mga GANID.. Msyado kayo kung sumingil! siguro 400 lang eh ok na.. Hindi ba pwedeng tingnan ng LTFRB yun? over pricing sa transport service?
I learned my lesson na.. Never fly PAL pag domestic na pabalik ng manila… YUN EH pag walang susundo sayo. Ok lang pag paalis ng manila. Astig.. feeling mo sosyal ka.
Mag CEBU PACIFIC.. always on time 95% of the time… tapos may games pa on board the plane. mas maalaga ang mga crew… hindi mukang masungit! and paglabas mo pa ng domestic terminal may pila ng cab na naghahatid ng mga papaalis.. and hindi sila makatanggi. dapat ganun din sa centenial terminal.
Service daw yung TRANSPORT SERVICE nila.. eh maliwanag naman tinataga nila ang tao. Sana yung mga foreigners nalang ang tagain nila sa presyohan sa transport. May alternative nga sa departuire area.. wala namang sistema.. sana papilahin nila yung mga dumarating na cab.. gayahin nila yung sa domestic.
And yung mga CAB na namimili.. i know mahirap magmaneho.. i know mahirap kumita ng pera sa pagdadrive ng taxi.. i know strategy nyo ang pagpili ng pasahero.. pero intindihin nyo rin sana yung mga pasahero nyo.. sana wag nyo kaming pahirapan.












